Japanese casino tycoon gustong gawin na “the next Hawaii” ang Pilipinas

Inaasam ni Japanese casino tycoon na si Kazuo Okada, na nakatakdang magbukas ng $2.4-billion casino resort sa Maynila, na gawing “the next Hawaii” ang Pilipinas habang pinaplano niyang palawakin pa ang kanyang negosyo sa bansa.

Ayon sa Yahoo News, bukod umano sa Maynila ay tinitingnan ni Okada ang posibilidad na mag-operate ng mga casino resorts sa Palawan at Boracay sa pagnanais na makuha niya ang mayamang Chinese market.

“I would like to make the Philippines the next Hawaii, given that there are a lot of great beaches here,” sabi ni Okada sa isang panayam sa telebisyon.

[Guto kong gawing “the next Hawaii” ang Pilipinas lalo na’t maraming magagandang beach dito]

Aniya, polluted na raw sa China at maraming residente ang gustong umalis doon upang magtungo sa isang preskong lugar.

“I think the Philippines would be one of the best tourist spots for everybody,” ani Okada.

[Sa palagay ko ang Pilipinas ay magiging isa sa mga pinakamahusay na tourist spots para sa lahat]

 

Loading…