Gordon binatikos ang award ni De Lima, namimingwit lang umano ang senadora ng kredibilidad

Minaliit ni Senador Richard Gordon ang pagtanggap ni Senadora Leila De Lima ng award na isa sa mga “leading global thinkers” para sa taong 2016 at sinabing “namimingwit” lang ang senadora ng kredibilidad.

Ayon sa GMA News Online, sa isang panayam sa mga mamamahayag ipinagpalagay umano ni Gordon na ang Estados Unidos, kung saan iginawad kay De Lima ang parangal, ang may pakana niyon.

“Baka naman nakikialam na Amerikano dito dahil galit sila sa nangyayari. Alam mo we should not allow other countries to intervene,” sabi niya.

“They can comment, pero katulad n’yan nag-iimbestiga, bibigyan mo ng award, talagang nagfi-fish ka ng award to gain credibility,” dagdag pa ni Gordon.

Ani Gordon, pamilyar siya sa mga ganoong pamamaraan.

“Alam ko naman ‘yung laro na ‘yan. Kung ako abogado ni De Lima, ganun din gagawin ko, eh. Bibigyan ko siya ng recognition abroad,” aniya.

Si De Lima ay ginawaran ng award ng Foreign Policy Magazine bilang isa sa “100 leading global thinkers” dahil sa umano ay paglaban niya kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa madugo niyang kampanya laban sa ilegal na droga.

Si De Lima ay inakusang sangkot sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison noong siya pa ang Kalihim ng Department of Justice.

 

1 Comment

  1. haha! e di bingwit pa more!! ganun namn pala e. malay mo di lang award mabibingwit pati pa ibang pinoy mabingwit mo din!! tinutonto na naman tayo ni #delimaw. akala e bobo ang pinoy at walang logic, walang common sense. pwes! noon yan HINDI na ngayon! #hindinaboboangpinoy

Comments are closed.