Ex-girlfriend ni Paolo Ballesteros, proud sa natamong karangalan ng aktor

Sa isang post ni Maria Katrina Nevada, dating nobya at ina ng anak ni Paolo Ballesteros, binati nito ang pagkakapanalo ng Eat Bulaga host bilang Best Actor sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinabi pa ni Katrina na ipinagmamalaki niya si Paolo na bukod sa pagiging best actor ay isang rin umanong best daddy at best friend.

“So proud of him #bestactor #bestdaddy #bestfriend #mmff2016 @pochoy_29,” sabi ni Maria Katrina sa kanyang Instagram post na kalakip ang isang video kung saan makikita silang dalawa na nagkakatuwaan habang nagvi-videoke at kumakanta ng awiting pinasikat ni Regine Velasquez na “Dadalhin.”

Ayon sa GMA News Online, kahit matagal na umanong magkahiwalay ang dalawa ay nananatili pa rin silang malapit sa isa’t isa at nagtutulungan sa pag-aalaga sa walang-taong gulang nilang anak na si Keira Claire.

Napanalunan ni Paolo ang Best Actor Awared sa 2016 MMFF sa pagganap niya bilang isang transgender woman sa pelikulang “Die Beautiful.” Nagwagi rin ang gumanap na bestfriend ni Paolo sa naturang pelikula na si Christian Bables bilang Best Actor in a Supporting Role.