Duterte, sasagutin ang gastusin ng mga biktima ng pagsabog sa Midsayap

DAVAO CITY — Sasagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gastusin sa ospital ng 17 biktima ng pagsabog na naganap sa Midsayap blast.

Ito ay ipinahayag ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang media release ayon sa MindaVote, kung saan ay sinabi rin na ang Pangulo mismo ang nangako ukol dito nang siya ay bumisita sa mga biktima ng pagpapasabog ng granada nitong nakaraang araw ng Pasko.

May 17 biktima ang nilalapatan ng lunas sa Anecito T. Pesante Sr. Memorial Hospital, sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato at sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Ayon sa mga ulat, ang naganap na pagsabog ay may 30-meter radius at nangyari ito nang kasalukuyang may banal na misa sa Sto. Nino Church sa Midsayap, North Cotabato bisperas ng Pasko .

Sinabi sa mga lumabas na ulat na maaaring hindi ang mga nagsisimba ang target ng pagpapasabog kundi ang kapulisan, ngunit ito ay hindi pa kumpirmado.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang mga sumusunod ayon sa tala ng MindaVote:

Arissean Gabrielle Bagot
Jessa Mae Banlawi
SPO4 Johnny Caballero
Princess Nicole Cadondoy
Ronaldo Ventura Celis
Russel Palma Jarapan
Ejimar Bargaso Loquis
Jonel R. Orquiola
Kent Steven R. Pacquiao
Cheyser Mae Macayendeg Rosete
Patricia Rosete
Arnel del Rio Silvano
Jeanelyn del Rio Silvano
Clint John del Rio Silvano
Little Joy Singco

Personal umanong iniabot ni Pangulong  Duterte ang mga sobreng may cash sa 15 biktima na naka-confine sa ospital ng Midsayap hospital. Nagmula umano sa Presidential Social Fund ang ipinamahagi ng pangulo.

Sa Facebook page ng  Presidential Communications(Government of the Philippines) ay ibinahagi ang video ng pagbisita ng pangulo sa mga biktima:

On Christmas day, President Rody Duterte visits the bombing victims confined at the Anecito T. Pesante Sr. Memorial Hospital in Midsayap, North Cotabato.

A total of seventeen (17) persons were wounded when a blast occurred during the Christmas Eve mass at the Sto. Niño Church. #PartnerForChange