Duterte: Kapag namatay na ako, sunugin ninyo ang katawan ko…

Kung iisipin natin, saan ba gusto ng pangulong Duterte mailibing kapag dumating na ang panahon?  Sa Libingan ng mga Bayani ang siyang sasabihin ng nakararami.  Subali’t  hindi ito ang nasa isip ng Pangulo.

Noong Martes sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi niya sa Filipino community doon na ibig niyang ipa-‘cremate’ and kanyang katawan.

“When I die, burn my body. Cremation. At ilagay mo lang ako sa tabi ng nanay pati tatay ko.”

Sinabi rin ni Duterte na ayaw niyang mailibing sa Libingan ng mga Bayani, tulad ng mga nakaraang Pangulo.

Sabi niya, “Ayaw ko ‘yang sa Libingan ng mga Bayani. Maraming krus doon, naka-linya, ganoon. Eh buti lang sana kung isa lang asawa ko. Dalawang asawa ko.”

Maliban sa mga naging Pangulo ng Pilipinas, ang mga maaaring ilibing lamang sa Libingan ng mga Bayani ay ang mga tumanggap ng parangal na ‘Medal of Honor’, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, chiefs of staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, at mga beterano ng digmaan.

Sa kasulukuyan, ang mga dating pangulong Elpidio Quirino, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos ang nakalibing sa Libingan ng mga Bayani.

Loading…