Dating janitor sa isang newspaper daily, naging bigtime drug pusher matapos matanggal sa trabaho

Isang dating janitor sa newspaper daily ang nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P5.9 milyon sa isang drug buy-bust operation na isinagawa sa Cebu City.

Ayon sa ABS-CBN, nasakote ng pulisya si Edwin Rivera, 40-taong gulang at dating nagtatrabaho sa isang publikasyon ng diyaryo bilang janitor, sa isang operasyon sa Barangay San Nicolas sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Chief Insp. Keith Andaya, hepe ng Police Station 6 sa Cebu City, na bagong drug personality si Rivera sa kanilang area of responsibility. Napilitan daw magtulak ng droga ang suspek mula nang matanggal ito sa trabaho.

Dagdag pa ni Rivera, agad silang nagsagawa ng buy-bust operation matapos makatanggap ng tip sa isang impormante. Kalahating kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa kanya na inabot niya sa isang pulis na nagpanggap na customer.

Matapos maaresto, inamin ni Rivera sa pulisya na ang source niya ng droga ay isang drug lord na kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prison. Tumanggi naman itong pangalanan ang sinasabing source.

Loading…