Dalagang nagdiriwang ng kaarawan, 14 na beses sinaksak ng nobyo

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng isang dalaga na pinatay ng nobyo sa pananaksak noong ika-24 ng Disyembre; mismong sa ika-21 kaarawan ng biktima.

Nagtamo ang biktima ng 14 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan, kabilang na ang sugat sa dibdib at sa isang pulso na nilaslas ng suspek.

Ayon sa ulat ng Philstar, naisugod pa ang biktimang si Mary Jane Hamtig sa New Era General Hospital sa Quezon City ngunit binawian ito ng buhay noong gabi ring iyon. Ang suspek na kinilalang si Michael Mendoza, 20 anyos, ay sumuko kinabukasan kay Talipapa Police Station commander Superintendent Danilo Mendoza. Umanin ito sa nagawang krimen.

Batay sa ulat, selos ang pinag-ugatan ng krimen. Sinabi umano ni Mendoza na mayroon pang ibang lalaking karelasyon ang nobya maliban sa kanya.

Inamin ni Mendoza na pinagsisisihan niya ang pagpaslang sa nobya at sa posibleng magiging anak sana nila. Isang pregnancy test na may positibong resulta ang nakuha sa bulsa ng damit ni Hamtig nang dalhin ito sa ospital.

Loading…