Catriona Gray, pasok na sa Top 5 finalists sa Miss World 2016 pageant

Ang kandidata ng Pilipinas na si Catriona Gray ay nakapasok na sa Top 5 finalists ng Miss World 2016 pageant na ginaganap sa MGM National Harbor sa Maryland, sa Estados Unidos ng America.

Si Gray din ang pinagkalooban ng Multimedia award.

Ang kasama ni Gray sa Beauty With A Purpose Top 5 finalists ay sina Priyadarshini Chatterjee ng India, Natasha Mannuela, ng Indonesia, Evelyn Thungu ng Kenya at Asmi Shrestha ng Nepal.

Ang Miss World 2016 Grand Coronation Night ay maaaring mapanood nang libre online sa pamamagitan ng  live streaming channels sa Youtube at Facebook. Ipapalabas naman sa telebisyon ang koronasyon sa ika-25 ng Disyembre.

Ayon sa Heavy, sina Tim Vincent, Priyanka Chopra at Miss World 2013 Megan Young ang mga hosts ng Pageant.