BSP: Papalitan sa bangko ang mga lumang perang papel, wala na silang halaga pagsapit ng ika-1 ng Enero 2017

Muling nagbigay ng paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na may naitatago pang mga lumang perang papel na papalitan na ang mga ito sa mga bangko at sa mga tanggapan ng BSP.

Ang mga lumang perang papel na 1985 pa inilunsad ay hanggang sa ika-31 ng Disyembre na lamang maaaring papalitan. Sa pagpasok ng ika-1 ng Enero 2017, demonetized na ang mga iyon at wala nang halaga.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, sinabi umano ni BSP deputy governor Diwa Guinigundo na dapat nang palitan ang mga lumang perang papel dahil sa lumipas na 25 taon ay marami na ang mga pagbabago; isa na umano ang pagtaas ng insidente ng pamemeke ng pera o counterfeiting. Marami na rin umano ang mga nangyari sa ating lipunan na marapat lang salaminin ng bagong perang papel.

Nakasaad sa section 57 ng Republic Act 7653 o ang The New Central Bank Act na maaaring alisin ng Central Bank sa sirkulasyon at palitan ang mga salaping papel ng anumang serye o denominasyon na mahigit limang taon nang ginagamit sa bansa.

Mas pinatindi umano ang mga security features ng mga bagong perang papel.

Samantala, sinabi rin ng BSP na ilulunsad na sa susunod na linggo ang mga bagong perang papel na may lagda o pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga lumang bank notes na kailangan nang mapapalitan sa mga banko: