BSP, nagbabala sa mga pekeng pera na ipinapakalat tuwing sasapit ang kapaskuhan

Nagbigay ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga naglipanang manloloko na nagpapakalat ng mga pekeng pera lalo na ngayong kapaskuhan.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, base umano sa datos ng BSP, labing-isang piraso sa bawat isang milyong piraso ng tunay na perang papel na nasa sirkulasyon sa buong bansa ay peke.  Bagama’t sinasabing hindi naman sapat upang makaapekto sa ekonomiya ang mga pekeng pera, pinayuhan pa rin ang publiko na mag-ingat upang hindi mabiktima ng mga manloloko.

Nagpayo ang BSP na dapat suriing maigi ang mga security features ng mga matatanggap na perang papel tulad ng watermark, serial number na dapat ay hindi magsisinglaki at security thread.

Nakikipag-ugnayan na rin sa kongreso ang BSP upang gawing malaki ang multa na ipapataw sa mga miyembro ng mga sindikato na mahuhuling nagpapakalat ng mga pekeng pera.

Alamin sa video ng ABS-CBN kung paano makikilala ang peke at tunay na perang papel:

 

 

Loading…