Bangko Sentral ng Pilipinas, maglalabas ng mga coins na may bagong designs

Maglalabas ng mga coins o barya na may bagong disenyo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalit sa mga baryang kasalukuyang nasa sirkulasyon, ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guninugundo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi umano ni Guinigundo na ang mga bagong baryang ilalabas ng BSP ay mas matibay at mas murang gawin. Aniya, ang mga denominasyon na may mahinang demand ay hindi na ipagpapatuloy, pero siniguro niya na ang P1, P5 at P10 ay patuloy pa ring gagawin.

“Maaaring mag-drop ng isa o dalawang denomination dahil ang demand bumaba,” ani Guinigundo.

Dagdag pa ng BSP deputy governor, ang P0.01 o isang sentimo na kadalasan ay hindi pinapansin ay patuloy pa ring ililimbag dahil iyon ang itinatakda ng batas.

Bukod sa disenyo, babaguhin rin ang mga metal na komposisyon ng bagong barya. Isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong disenyo para sa kanyang pagsang-ayon.

Ang mga bagong barya ay nakatakdang ilabas “in a year or so”, sabi ni Guinigundo sa isang panayam sa DZMM noong Huwebes, ika-22 ng Disyembre.

 

Loading…