Aguirre, gustong patalsikin ang mga frat brods ni Duterte

Inirekomenda ni Department of Justice Secretary Vitliano Aguirre na patalsikin sa puwesto ang dalawa sa pinakamataas na immigration official na di-umano’y nasasangkot sa iskandalo tungkol sa suhol.

Sina Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Al Argosino at Michael Robles, at iba pang opisyal na mapatutunayan na may kasalanan pagkatapos ng imbestigasyon, ay inirerekomendang alisin sa lalong madaling panahon, ani ni Aguirre sa isang liham na ipinadala sa Malacanang noong Martes.

“An act of impropriety or the appearance of impropriety on the part of an officer or employee erodes the public’s trust,” isinulat ni Aguirre, na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The separation of an erring official is made more apparent with the loss of such trust and confidence due to their failure to perform their respective duties beyond reproach.”

Matatandaan na sinabi ni Aguirre kamakailan na ramdam niya na siya ay na-“betray” ni Argosino at Robles sa kanilang pagkakasangkot sa corruption scandal na pagdawit sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.

Ang dalawa, na mangyaring mga fraternity brothers ni Aguirre at Duterte sa San Beda Colleg of Law Lex Talionis Fraternitas, Inc., ay nakita sa camera na tumatanggap ng paper bags na nagsasabing may laman na P10 milyon bawat isa sa isang casino restaurant sa Paranaque City nitong buwan na lumipas.

Ang mga paper bags ay dinala ni dating policeman Wally Sombrero, isang kinatawan ni Lam, kapalit umano ng paglaya ng mga ilegal na empleyadong Tsino na inaresto sa Fontana Leisure Park and Casino na pag-aari ni Lam sa Pampanga.

2 Comments

  1. Akala ko ba ma-reresign na lang siya kapag napatunayan na kasama mga ka frats nila?, ngayon patalsikin na lang at hindi na siya mag-reresign?

  2. sexual abuses within the church has been an issue and even the Pope acknowledge it does exist, ONLY data on how many have been sealed.

Comments are closed.